Sagot :
SAGOT:
Sa ilalim ng pamahalaang ito, ang kapangyarihang tagapagpaganap ay nasa kamay ng pangulo katulong ang kanyang gabinete na pinamumunuan ni Apolinario Mabini.
Explanation:
Sa payo ni Apolinario Mabini na siyang tagapayo ni Aguinalo at Utak ng Himagsikan ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinalitan at ginawang Pamahalaang Rebolusyonaryo noong Hunyo 23,1898. Pinangunahan ni Aguinaldo ang pamahalaang ito bilang isang pangulo sa halip na diktador.
Sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ay ipinatupad ang pagtatatag ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan gaya ng pamahalaang lokal at Kongreso, kung kaya’t noong Setyembre 15,1898 ay pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso o mas kilala sa tawag ng “Kongreso ng Malolos na pinamunuan ni Pedro Paterno na nahalal bilang pangulo ng Kongreso. Ang Kongreso ng Malolos ay walang kapangyarihang gumawa ng batas, sa halip ito ay magsisilbi bilang tagapayo lamang ng pangulo. Sa ginawang pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos ay nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo noong Enero 21,1899 at itinatag ang Pamahalaang Republikano.