1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga katangian ng istruktura ng daigdig? A. hindi pantay ang distribusyon ng tubig B. mas malaki ang bahagi ng lupa kumpara sa tubig C. ang daigdig ay nahahati sa tatlong bahagi: crust, mantle, at core D. ang daigdig ay may malaking masa ng solidong bato na tinatawag na plates 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng interaksyon ng tao at kapaligiran? A. Ang pagtatanim ng mga gulay sa kapatagan. B. Ang paglipat ng mga tao ng tirahan dahil sa digmaan. C. Ang pagputol ng mga puno upang gawin bahay at iba pang kagamitan. D. Ang pagkakaroon ng malamig na panahon ng isang lugar malapit sa bundok. 3. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa lokasyon bilang tema ng heograpiya? A. Malamig ang klima sa Barangay Buda. B. Ang aming kapitbahay ay nangibang bansa upang magtrabaho. C. Si Mang Juan ay nakatira sa Barangay Talomo, pangingisda ang kanyang hanapbuhay. D. Matataguan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 4. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig? A. upang maging maalam sa mundong ginagalawan B. upang malaman ang eksaktong lokasyon ng mga likas na yaman ng daigdig C. upang malaman ang mga pangyayari sa ibabaw at kaloob-looban ng daigdig D. upang alaman kung paano matutugunan ng ating mga likas na yaman ang mga pangangailangan ng mga tao sa darating na panahon 5. Ito ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. A. Heograpiya B. Kultura B. Relihiyon C. Topograpiya 6. Bakit itinuring na kaluluwa ng isang kultura ang wika? A. Ang wika ay sinasabing tunog na nilikha ng dila. B. Ito ay nagpatatag ng relasyon at samahan ng mga tao. C. Ang wika ay lipon ng mga salita na ginagamit sa pakikipag-usap sa kapwa. D. Ito ay nagbigay ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. 7. Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ay hindi nagsasaad kung paano nakaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibidwal o isang pangkat ng tao? A. Nuunawaan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lugar at kalikasan B. Nalalaman kung paano hinuhubog ang mga buhay at gawain ng tao C. Naiintindihan ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga lupain. D. Maaaring nagbibigay daan ng pagbibigay ng diskriminasyon sa pangkat ng mga taong