👤

sumulat ng isang reflective journal tungkol sa iyong panata na gagawin sa pagsasabuhay ng kahalagahan ng mga pag hahanda sa mga banta ng sakuna

Sagot :

Answer:

Bilang estudyante, kabataan, at mamamayan ng minamahal kong bayan, nangangako akong tutulong at hindi magiging pabigat sa bawat hakbang na isinusulong sa tuwing darating ang sakuna. Ipinapangako ko na uunahin ko ang pagtulong kaysa pag-inarte, pagsagip kaysa pagpapapansin. Uunahin ko ang kaligtasan ng aking kapwa at hahayaan ko muna ang mga gamit ko na hindi ko naman talaga kailangan. Ipinapanata ko na ako ay isang kabataan, kabataang handang pagsilbihan at paglingkuran ang kapwa ko mamamayan lalong lalo na akong mga nahihirapan. Ipinapangako ko din na isasabuhay ko ang kahalagahan ng paghahanda upang maging bukas ang isip ko sa lahat ng maaaring mangyari sa anumang oras.