Gawain 1 1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na "ang tao ay pantay-pantay"? a. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang kaalaman. b. Lahat ng tao ay dapat mayroong pag-aari. c. Lahat ng tao ay iisa ang mithiin. d. Lahat ng tao ay likha ng Diyos. 2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino? a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao C. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa pangangailangan ng tao d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao 3. Sa ating lipunan alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay? a. Naniniwala si Allan na nararapat lamang siyang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang bayan ng San Ildefonso kabit na kaya naman niya itong bilhin dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis. b. Hindi mabitawan ni Charlene ang kaniyang mga lumang damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya. c. inuubos ni Sonny ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang wahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan. d. Lahat ng nabanggit. 4. Alin ang hindi naglalarawan sa Lipunang pang-ekonomiya? a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan 5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas? a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan. c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan. d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahlaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao,