👤

mga paraan kung paano mababawasan ang epekto ng kalamidad​

Sagot :

Answer:

Mga Paraan upang Mabawasan ang Epekto ng Kalamidad

Upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad, ito ang mga bagay na kailangang gawin:

  • Kung ang pag-uusapan ay mga lindol, ang dapat na gawin ay tibayan pa ang mga istruktura sa buong bansa. Karamihan sa mga namamatay kapag tumatama ang isang lindol ay ang mga tao na nata-trap sa mga mahihinang gusali.
  • Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga bagyo, ang dapat na gawin ay ikonsidera ang pagtatayo ng mga kable ng kuryente sa ilalim ng lupa upang hindi ito nawawasak kapag may bagyo. Dapat din na magtayo ng mga matitibay na evacuation center na hindi kayang wasakin ng malalakas na hangin.
  • Kung pagbaha naman ang pag-uusapan, mababawasan ang epekto nito kung ang mga bahay sa mga lugar na madalas bahain ay magtatayo ng matataas na mga palapag. Kailangan din na pagbutihin ang drainage sa mga lugar na ito.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paghahanda sa mga sakuna, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/376083

brainly.ph/question/682705

brainly.ph/question/17604796

#BrainlyEveryday