Sagot :
1. Hen. Emilio Aguinaldo
- Heneral Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
2. La Liga Filipina
- Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal noong Hunyo 3, 1892. Hangarin ng samahang ito ay ang: pagkakaisa ng Pilipinas (Filipinas), pagbibigay ng suporta sa edukasyon at agrikultura, pagtaguyod ng reporma, paglaban sa mga iba't ibang uri sa mga di-makatarungang gawain at pagbibigay proteksyon at tulong sa isa't isa.
3. Hunyo 12, 1898
- Noong Hunyo 12, 1898 idineklara ang kalayaan ng Pilipinas. Idineklara ito ni Hen. Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Iginigiit nito ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas mula sa pagkasakop at pagmumuno ng mga Espanyol.
4. Apolinario Mabini
- Si Apolinario Mabini ang tinaguriang "Dakilang Lumpo". Siya ay tanyag dahil sa kanyang angkin na katalinuhan sa kabila ng kanyang kapansanan.
5. Melchora Aquino
- Si Melchora Aquino o mas kilala bilang "Tandang Sora" ang kinikilalang "Ina ng Katipunan". Kinikilala rin sya bilang "Dakilang Babae ng Rebolusyon" dahil sa kanyang kontribusyon noong Himagsikan.