👤

Muling Pagbangon
ni Jo-Ann M. Pagaduan, Balaybay ES
Traysikel drayber si Milyo. P500.00-P800.00 ang kaniyang
katamtamang kita sa walong oras na pamamasada. Ito ay sapat na
upang may ipambili ng pagkain at tustusan ang gastusin ng pamilya.
Marso 17, tigil-pasada ang anumang uri ng transportasyon
dahil sa idineklarang General Community Quarantine (GCQ). Umasa
lamang sa ayudang pagkain si Milyo at ang kaniyang pamilya.
Bilang ulo ng pamilya, hindi siya pinanghihinaan ng loob
dahil alam niyang magtutulungan at magkakaisa sila sa mga
hakbanging kanilang gagawin upang malagpasan ang mga hamon ng
pandemya.
Mula sa pamamasada ay nakapag-online business sila sa
pangunguna ng kaniyang panganay na anak na nakapagtapos ng
Cookery. Sa una'y sapat lamang upang makabawi sa gastusin sa
pagluluto ng mga lutong ulam si Manuel ngunit ilang linggo lamang
ang lumipas ay kumita na siya ng doble sa kaniyang puhunan.
Opinyon
Reaksyon
Dapat bang
hangaan si
Milyo at ang
kaniyang
pamilya?
Bakit?​