👤

Basal,Tahas at Lansak ibig sabihin?​

Sagot :

Answer:

Ang tahas, lansakan at basal ay tumutukoy sa mga pangngalan.

Explanation:

ANO NGA BA ANG PANGNGALAN?

Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari. Maaari ito hatiin sa dalawa:

Pantangi: Ito ay tumutukoy sa ispesipikong pangalan o halimbawa ng tao, bagay, pook o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking letra.

       Halimbawa: Jenny, SM

Pambalana: Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang pangalan ng tao, bagay, pook o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na letra.

      Halimbawa: libro, gamot, eroplano

ANO ANG IBANG URI NG PANGNGALAN?

Ang pangngalan ay maaarin hatiin sa iba't ibang uri:

Tahas: Ito ay kilala bilang kongkretong pangngalan. Ang mga pangngalang ito ay maaaring mahawakan, makita, marinig, maamoy, mabilang, madama, o malasahan.

      Halimbawa: aso, kaibigan, bata, sorbetes

Lansakan: Ito ay tumutukoy sa grupo o samahan ng tao, lugar o bagay.

      Halimbawa: orkestra, kumpol, hukbo

Basal: Ito ay kilala bilang di-kongkretong pangngalan. Maaari itong tumukoy sa damdamin, kaisipan o ideya.

      Halimbawa: galit, wika, himala

Maaari ring basahin ang link na ito upang mas maintindihan ang ibang uri ng pangngalan: brainly.ph/question/5267082

#BrainlyEverday