Answer:
Para sakin, ang kailangan ng bansa ay sipag. Kung masipag ka, may tsansa kang umunlad at makamit ang mga bagay na iyong nais. Walang magagawa ang iyong pagiging matalino kung ikaw ay tamad, nauunawaan mo nga ang mga bagay bagay pero wala ka namang ginagawa para mapabuti ang mga ito at walang mangyayari sa bansa kung ganon lang ang gagawin mo. Kaya mas importante ang pagiging masipag o madiskarte dahil sa paraang ito, ang mga bagay bagay ay magagawan mo ng paraan. Lahat tayo ay may kakayahang maging matalino ngunit para sa iba, mahirap ang maging masipag.