👤

Ano po ang meaning ng pambalana at pantangi pls po straight answer ​

Sagot :

Answer:

pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Nagsisimula sa maliit na titik.

pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Nagsisimula sa malaking titik.

Explanation:

Answer:

Ang pangngalang PAMBALANA ay pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.

Halimbawa ng pangngalang pambalana:

pangulo

Ang pangngalang PANTANGI ay pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

Halimbawa ng pangngalang pantangi:

Rodrigo Duterte