Sagot :
Ang pagpapahalaga sa karapatan ng kababaihan at sa kalayaan
ng bawat isa ay tunay na nabibigyang-pansin na sa buong
mundo, ngunit di pa rin maiiwasan ang diskriminasyon sa
kababaihan at ang pag-alis ng kalayaan o karapatan ng isang
mamayan sa ating lipunan. Subalit mas maayos na ito ngayon
kumpara noon at may mga bansa na rin na kinikilala ang
karapatan at halaga ng kababaihan sa lipunan. Kaya nga makikita
niyo sa aming ginawa na poster-islogan ang hitsura o estado ng
kabbaihan noon sa dating lipunan, kung paano sila inabuso at
walang kalayaan at karapatan na mag salita para sa sarili nilang
kapakanan.
Ang gustong ipahiwatig o ang mensahe ng aming poster-islogan
ay ang kalayaan at ang mga kababaihan ay importante sa ating
lipunan at di basta basta. Kaya dapat pantay pantay ang pag-
tingin natin sa isa’t isa at wala man sa atin ang may karapatan na
pagkaitan ang isa sa atin ng kalayaan at karapatan. Bawat sa atin
ay may kalayaan na mag salita para sa ating karapatan.
#keeponlearning