Isaisip Isulat ang kahalagahan ng bawat salik ng produksiyon. Isulat ang sagot isang malinis na papel.
![Isaisip Isulat Ang Kahalagahan Ng Bawat Salik Ng Produksiyon Isulat Ang Sagot Isang Malinis Na Papel class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d5a/e4559c299261ca1b927f933e316664b4.jpg)
Answer:
1.Lupa – mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito. Kasama na ang yamang-tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Ang lupa ay takda ang bilang.
2.Kapital o Puhunan – mga produktong nakakalikha ng panibagong produkto o mga kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
3.Paggawa o Lakas Paggawa - mga tao na siyang lumilinang sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran para gawing produkto. Ang tao ay ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Ang mga hilaw na sangkap at likas na yaman ay magiging kapaki-pakinabang kung gagamitin at gagawing produkto. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
4.Entreprenyur – tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto sa produksyon. Entrepreneurship ay tungkol sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
pa brainll.