👤

bigay ng halimbawa ng kayarian​

Sagot :

Bigyan ng halimbawa ng Kayarian

Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita.

Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig

2)      Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng salita:

a. Inuunlapian – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa: Sinasabi, sumahod, tumugon

b. Ginigitalipian – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita

Halimbawa: Sinasabi, sumahod, tumugon

c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita

Halimbawa: Unahin, sabihin, linisan

d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita

Halimbawa: Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan

e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita

Halimbawa: Pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

3.) Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

May dalawang uri ng pag-uulit:

a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat

Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama

b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4)      Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

May dalawang uri ng Pagtatambal:

a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan

Halimbawa: Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan

b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama

Halimbawa: Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

-ItsZebLearns