👤

magbigay ng isang salawikain at ibigay ang kahulugan at ginto aral a nais ipahiwatig nito ​

Sagot :

Ang mga sawikain o idioms sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salita na patalinghaga at ‘di tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon o pangyayari.

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin

Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.

2. Agaw-buhay

Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga

Halimbawa: Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.

3. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na.

4. Ahas

Kahulugan: Taksil, traydor

Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?

5. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.