👤

ano ang naging impluwensya ng panahong prehistoriko at sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon​

Sagot :

Answer:

PANAHONG PALEOLITIKO (Old Stone Age) PANAHONG NEOLITIKO (New Stone Age) PANAHON NG METAL Unang Panahon ng Metal Maunlad na Panahong Metal.

Ang mga tao sa panahong ito ay nakagawa ng mga kagamitang gawa sa bato. Nabuhay sila sa pangangaso at pangunguha ng halaman Pangkatan sila kung nanirahan sa isang pook hangga’t may makuha silang pagkain. 50,000-10,000 B.C.E. [Before Common Era]

Noong 1935, natuklasan sa Cagayan ang kagamitang gawa sa bato. Mula 1962-1970, natuklasan ni Robert Fox ang buto ng tao at hayop at kagamitang gawa sa bato sa Kuweba ng Tabon sa Palawan

Pagkalipas ng Panahon ng Yelo, uminit nang bahagya ang klima ng daigdig. Unti-unting naubos ang malalaking hayop at napalitan ito ng maliliit na hayop. Natutunan ng sinaunang tao na mangisda at kumain ng prutas at gulay.

Dahil sa pagbabago sa klima, nagbago ang uri ng pamumuhay ng sinaunang tao. Nagtanim sila ng halaman. Pinakinis nila ang kagamitang bato. Gumawa sila ng kagamitang hugis palakol

Dahil sa malaking pagbabagong ito, tinawag itong Panahong Neolitiko.

Panahon ito ng transisyon mula sa paggamit ng bato ang Panahon ng Metal. Ito ay bunsod ng pagkakatuklas sa mga metal tulad ng tanso, tumbaga at ginto bilang material sa paggawa ng mga kasangkapan, sandata at palamuti sa katawan. Nahahati ito sa dalawang panahon. 1. Unang Panahon ng Metal 2. Maunlad na Panahong Metal.

Tanso (pinaghalong lata at iba pang metal) ang unang ginamit na metal sa panahong ito. Nakatuklas din ng iba’t ibang palamuti at disenyo tulad ng hikaw, kuwintas at at pulseras na tinawag na ling-ling-o ng mga arkeologo

Naging pangunahing metal ang bakal sa paggawa ng mga kasangkapan. May mga kagamitang bakal tulad ng mga kutsilyo at magarang sandata, espada, sibat

Explanation:

hope it's help you

carry on learning

mark me as brainles please