sa radyo se radio Nestor: Narinig ba ninyo ang impormasyong ibinigay kanina? Iba pala ang mga laro nila sa Mindanao. Lito: Oo nga. Mayroon pa silang laro na pana pana. Ito ay laro sa pagtudla. Ginagamit nila ang pan sa pagtudta sa itinakdang pain tulad ng isda,prutas, o bagay Mario: Naiiba ang mga laro nila dahil kailangan ang paggamit ng lakas, konsentrasyon, at tiyaga. Nestor: Kailangan din na marunong kang lumangoy at pumana. Lito: Nakapagdaragdag sa ating kaalaman ang mga impormasyong napakinggan. Tayo ay nagkakaroon ng kamalayan sa ginagawa ng mga kapwa natin sa ibang panig ng bansa. Mahalaga ang pakikinig ng mga impormasyon at pagbibigay ng reaksyon o opinyon hinggil dito, tulad ng ginawa nina Nestor at ng mga kaklase niya Pansinin ang mga sinabi ng mga nag-uusap. 1. Iba pala ang mga laro nila sa Mindanao 2. Naiiba ang mga laro nila. 3. Nakapagdaragdag sa ating kaalaman ang mga impormasyong napakinggan 4. Tayo ay nagkakaroon ng kamalayan sa mga ginagawa ng mga kapwa natin Paano sila nagbigay ng reaksyon sa narinig na impormasyon o isyu? Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tbigay ang sariling opinyon o reaksyon sa sumusunod na mga isyu. Gawin ito sa inyong sagutang papel. 1. Dapat ba o hindi dapat pag-aralan at pagsanayan ng mga babae ang mga gawaing lalaki? 2. Dapat ba o hindi dapat gawin ng mga lalaki ang mga pang-araw-araw na gawain sa bahay ng mga babae? 3.Dapat ba o hindi dapat na pumasok na domestic helper ang mga propesyonal na Pilipino?