👤

Ano ang kahulugan ng salapi? ​

Sagot :

Salapi

Sa kasalukuyang panahon natin, masasabing ang salapi ay kailangan ng bawat tao. Nagsisilbing buhay ng iba ito para masuportahan ang kanilang pangunahing pangangailangan para makaraos sa hirap. Tumutulong ang salapi para maging pambayad sa anumang makukuha natin at pantakip sa mga pagkakautang. Kaya masasabing ang salapi ay malaking tulong sa mga tao.


Ano nga ba ang kahulugan ng salitang salapi?

Kahulugan: ito ay nagsisilbing tagapamagitan ng isang transaksyon upang pamalit sa ginawang serbisyo o naibigay na produkto sa isa. Gayundin, ito ang pangunahing ginagamit ng mga konsyumer bilang pamantayan hinggil sa pamimili at presyo (brainly.ph/question/550011). Ginagawa itong pambayad sa anumang ginagawang kalakalan sa pamamagitan ng mga tao o kaya indibiduwal. Sa ingles, tinatawag itong money.


TANDAAN:

Ang salapi ay mahalaga sa ating buhay. Pero kailangan natin maging maingat sa paggamit nito at dapat may katalinuhan tayo sa paghawak ng pera. Importante na makita natin ang posibleng epekto kung hindi natin ito pamamahalaan ng ayos. Tandaan ang mga puntong ito para magsilbing gabay sa buhay natin kahit tayo ay nag-aaral pa lamang sa paghawak ng salapi. Huwag balewalain ang mga ito dahil tiyak na tutulong ito mismo sa atin lalo na kung tutuntong na tayo sa pagiging adulto.


Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa salapi, magtungo sa:

Mga katangian ng salapi: https://brainly.ph/question/529223



#CarryOnLearning