TITIYAKIN NA NATIN
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. (F9WG-If-44)
Basahin ang mga pahayag na binanggit ni U Nu sa kanyang sanaysay.
PANUTO: Sumulat ng isang talatang binubuo ng limang pangungusap na nagpapahayag ng sariling
pananaw tungkol sa nagging bunga ng kasakiman ng tao sa lipunan particular sa bansang
Burma (Myanmar) gamit ang iba’t ibang uri ng pang-ugnay. Isulat ang talata sa isang buong
papel.
1. Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap at mayaman.
2. Ang mahirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan sapagkat kalimitan ang isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging napagsamantalahan, samantalang sila ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang kababaihan ay nagbibili ng sariling katawan.
4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. 5. Ito ay ang Karma, labis nap ag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa buhay na isa sa pangumahing kailangan ng tao.
6. Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.
Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay mangmang? Anong kaisipang bago ang iaambag ng ma mangmang sa kaularan.