Sagot :
Answer:
Mapanuring Pag-iisip
Ang mapanuring pag-iisip ay tinatawag na pagsusuring kritikal na malinaw at makatuwirang pag-iisip ng isang tao.
Halimbawa ng Mapanuring Pag-iisip
Kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung ano ang tamang desisyong pipiliin sa buhay halimbawa; ang pagpili ng tamang kurso sa kolehiyo, ang pagtatrabaho sa ibang bansa o pangingibang bansa kapalit ang pagkawalay sa pamilya, pagpili ng angkop na negosyong bubuksan at marami pang iba.
Nasa sitwasyon sa pagpili ng pagsasabi ng katotohanan kahit na may masasaktang tao.
Matalinong pamimili ng mga produktong matibay at magtatagal.
Ang kritikal na reaksyon at mapanuring pag-iisip ay tinutukoy ng iba’t ibang kahulugan bilang:
ang proseso ng aktibo at mahusay pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsusuri, pagbubuo, at pagtimbang ng impormasyon kung tama at mali upang magkaroon ng isang konklusyon.
disiplinadong pag-iisip na malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, at may kaukulang ebidensya nakuha base sa nabasa o napakinggan.
makatwiran, mapanimding pagiisip na nakatuon sa pagpili kung ano ang paniniwalaan o gagawing kilos.
Ang kritikal na reaksyon at pag-iisip ay umiikot sa tatlong hakbang:
1. Masususing pagtukoy sa kapaligiran ng isang suliranin.
Pag-aralang mabuti ang paksa o suliranin na bibigyan ng kritikal na reaksyon, isaalang-alang ang mga dahilan at salik. Pag-aralan ang mga masama at mabuting epekto nito, mga sanhi at magiging bunga.
2. Pagsusuri, pag-uuri at pagpuna sa isang paksa o suliranin.
Pagtimbang sa mga isyu sa paksa o suliraning pinag-uusapan. Suriing mabuti ang iyong panig, kung matibay ang batayang argumento. Pagaralan fin kung ano ang maaring kontra-argumento ng kabilang panig.
3. Paglalatag ng alternatibo at konklusyon.
Hindi nagtatapos sa kritisismo ang lahat, kinakailangang maglatag ng solusyon o alternatibo tungkol sa pinag-uusapang paksa o suliranin.
Explanation: