👤

Gawain A. Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang sumusunod na tanong Isinama si Jela ng kanyang tita Maila sa Rizal upang makapagbakasyon. Masayang-masaya siya dahil nakita niya sa unang pagkakataon ang Pista ng mga Higantes. Ang pistang ito ay naganap kahapon ika-23 ng Nobyembre. Ginugunita sa pistang ito ang patron ng mga mangingisda na si San Clemente. Pinakatampok sa pista ang matatangkad na tau-tauhang yari sa papel. Dinamitan at nilagyan ng makukulay na palamuti upang mas maging kaakit akit sa manonood. Ang mga higante ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan. Ang mga deboto naman ay nakasuot ng damit ng mangingisda. Hiniram ni Jela ang camera ng kanyang tita Maila at kumuha siya ng maraming litrato. Gusto niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga magulang. Ipapakita nya rin ito sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Hinding hindi niya makalimutan ang araw na iyon. 1. Kanino sumama si Jela? 2. Saan sila nagpunta? 3. Ano ang ipinagdiriwang dito 4. Ano ang kanilang ginugunita? 5. Paano nila inilarawan ang mga higante sa kuwento? 6. Ano ang naramdaman ni jela ng makita niya ang Pista ng mga higantes? 7. Karaniwang gaano kataas ang mga higante? 8. Ano ang kanyang hiniram sa kanyang tita Malla? 9. kani-kanino nya ipapakita mg kanyang mga kuhang larawan? 10. Bakit gusto niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga magulang, kaibigan at kaklase?​

Sagot :

Answer:

  1. Sa KANYANG tita Maila
  2. SA RIZAL UPANG MAGBAKASYON
  3. PISTA NG MGA HIGANTES
  4. ANG PATRON NG MGA MANGINGISDA NA SI SAN CLEMENTE
  5. SA PAMAMAGITAN NG PAGKUKUHA NG LITRATO
  6. MASAYANG MASAYA SYA DAHIL UNANG BESES PA LAMNG NYA ITONG NAKITA
  7. MULA APAT HANGGANG LIMANG TALAMPAKAN
  8. ANG CAMERA UPANG KUHANAN NG LITRATO ANG PALIGID
  9. SA KANYANG MAGULANG,KAIBIGAN AT KAKLASE
  10. UPANG IBAHAGI ANG KANYANG NAPAKAMEMORABLENG BAKASYON SA RIZAL.

Explanation:

PA BRAINLIEST AND FOLLOW PO THANK YOU

Answer:

1.Sumama si Jela sa kanyang titan Maila.

2.Pumunta sila sa Rizal.

3.Pista ng mga Higantes

4.Ginugunita ang patron ng mga mangingisda na si San Clemente.

5.Matatangkad na tau-tauhang yari sa papel

6.Masayang-masaya si Jela dahil nakita niya sa unang pagkakataon ang Pista ng mga Higantes.

7.Ang mga higanti ay may karaniwang taas na apat hanggang limang takampakan.

8.Hiniram ni Jela ang camera ng kanyang tita Maila.

9.Sa kanyang mga magulang, kaklase at kaibigan.

10.Dahil sa mga magagandang kulay at tanawin sa lugar na kanyang napuntahan.