👤

Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag. 31. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. 32. Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard . 33. Ito ay isang hazard na bunga ng mga gawain ng tao. 34. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. 35. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. 36. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. 37. Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. 38. Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol. 39. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan 40. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon​