Sagot :
Answer:
ang naging impluwensya ng panitikang Mediterranean sa mga Pilipino ay isang bagay na napakahalaga. Dahil dito, ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao ay mas naunawaan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga akdang naisulat ng mga mahuhusay na manunulat. Naging malaking tulong rin ang mga tula at iba pang mga prosa na naglalahad ng mga sinaunang kultura at tradisyon upang mas maintindihan at tangkilikin ang tunay na kulturang Pilipino.
Bukod dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na gumawa at mag-imbento ng mga iba’t ibang bagay na kanilang mapapakinabangan at makakatulong upang mapabilis ang kanilang mga gawain. Ang talento ng mga Pilipino sa pagsulat ay mas umusbong pa hanggang sa paggawa na nito ng eskrip na gagamitin sa telebisyon o mga pelikula.
Umunlad din ang pagsulat ng mga prosa ng Pilipino ng eskrip na pangradyo, pangtelebisyon, at pampelikula na nagbigay oportunidad sa paghubog ng talento ng mga Pilipino at ang pagganap sa mga tauhan ng eskrip ay nagsilbing mainam na hanapbuhay ng mga Pilipinong mahusay umarte sa harap ng kamera sa ngayon.
Higit sa lahat, naging pangmulat-mata ng mga Pilipino ang mga akda ng mahuhusay na manunulat upang makapagplano at maisaayos nila ang sari-sariling buhay; matugunan o malampasan nila ang kanilang mga problemang pinagdaraanan. Ito rin ang kanilang nagsilbing gabay upang mas maunawaan ang mga mithiin ng mga tao at ng bansa sa pamamagitan ng pagbasa ng mga akda tungkol sa sariling kasaysayan.
Explanation:
sana makatulong