B. bigyang-kahulugan ang tambalang salita na may salungguhit sa bawat pangungusap. isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. _____1. nagsusumikap ang mga taong-grasa na mamuhay ng marangal sa kabila ng hirap na dinaranas. a. mayaman b. mahirap c. marangya d. dukha _____2. mahirap biruin ang mga taong balat-sibuyas. a. matapang c. malungkutin b. matampuhin d. malakas ang loob _____3. takipsilim na nang dumating ang aking mga magulang mula sa bukid. a. umaga na c. tanghali na b. madilim na d. lumulubog na araw _____4. madaling kausapin ang mga taong pusong-mamon. a. mahinhin b. maawain c. malambot d. masayahin _____5. madalas na nagtataingang-kawali ang aking kapatid kapag inuutusan. a. malaki ang tainga c. nagbubulag-bulagan b. nagbibingi-bingihan d. may deperensya sa pandinig