Ipinahahayag ng isang makata ang kanyang tiyak na diwa at damdamin sa kanyang tula sa masining na paraan. Makikita sa kanyang akda kung paano tanawin at unawain ng makata ang mga karanasan at kanyang mga namamasid sa paligid. Ang mga salitang ginagamit ng makata ay nagbibigay ng larawang-diwa sa mambabasa. Ang mga salitang ito ay ay kumakatawan din sa maraming kahulugan o mga bagong pananaw sa buhay na mauunawaan ng mambabasa sa pagiging bukas ng kanyang isipan sa malalimang pagpapakahulugan. Basahin at unawain ang halimbawa ng tula sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa linya ang iyong pananaw sa binasang tula,
Diploma Ni Imelda R. Cabigao Papel na puting-puti Walang sulat ni munti Gayon din kung sakali Ang utak mong di mawari.