Sagot :
Answer:
Binubuo natin ang lipunan sapagkat ang lipunan ay hindi mabubuo kung walang tao. Binubuo din tayo'y ng lipunan sapagkat kung walang lipunan, saan tayo titira? Saab tayo kukuha ng mga pagkain?
Answer:
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Sagot:
Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng pilosopopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag - aruga sa tao at dahilmatatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
Tandaan:
Ang lipunan ay tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang tunguhin o layunin. Ito ay nagmula sa salitang ugat na lipon na ang ibig sabihin ay pangkat. Ang isang halimbawa nito ay ang pangkat ng mga mamamahayag na mayroong iisang layunin: ang makapaghatid ng mga bagong balita at kaganapan sa bansa at sa daigdig. Sinisiguro nilang makararating ang mga impormasyong ito sa mga tao ng maayos at may katiyakan. Samakatwuwid, ang lipunan ay kumakatawan sa kolektibong pagtingin ng bawat kasapi ngunit hindi isinasantabi ang pagiging indibidwal o katangi – tangi ng mga kasapi nito.
Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan.
Ang bawat tao ay mayroong kani- kaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay na bahagi ng isang lipunan.
Dalawang Mahalagang Dahilan sa Pamumuhay sa Lipunan:
Dahil sa katotohanang hindi nilikhang perpekto o ganap ang tao at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
Dahil sa pangangailangan o kakulangan ng tao mula sa materyal na kalikasan.
Explanation: