👤

Ano ang Kontribusyon ni Andres Bonifacio?​

Sagot :

Answer:

Kontribusyon ni Andres Bonifacio

Ang pinakamahalagang kontribusyon ni Andres Bonifacio ay ang pagtatatag ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, o mas kilala sa tawag na KKK. Ito ang naging simula ng himagsikang Pilipino na naging dahilan ng kalayaan ng bansang Pilipinas mula sa kamay ng mga Espanyol

Explanation:

Si Andres Bonifacio ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamagigiting na bayani ng bansa. Nakakalungkot nga lang na siya ay napaglaruan ng mga elitista, at ang karapat-dapat na unang pangulo ng Pilipinas ay hindi kinilala sa kanyang mga nagawa, bagkus ang pagiging pangulo ay ibinigay kay Emilio Aguinaldo. Si Andres Bonifacio ay pinatay ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo

Answer:

Question:

Ano ang Kontribusyon ni Andres Bonifacio?

Answer:

Ang isa sa pinakamahalagang nagawa ni Andres Bonifacio sa ating bansa ay ang pagbuo ng Kataastaasang,Kagalang-galangan na katipunan ng Anak ng Bayan o ang tinatawag na KKK.Dahil sa KKK, nagkaroon ng lihim na grupo na naghangad na makuha ang kasarinlan mula sa mga Espanyol.

Sa katunayan, siya ay kinikilala bilang Supremo ng KKK.Siya rin ay kinikilala bilang Ama ng Rebolusyon.

Ang itinatag nyang KKK ang naging sentro ng mga Pilipinong naghihimagsik laban sa mga Espanyol.

Si Andres Bonifacio ay sumulat ng mga akda para sa ating bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang Decalogo ng Katipunan at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

Explanation:

#carryonlearning