👤

kailan itinatag ang kongreso ng malolos? ano ang mahalaga bahaging ginampanan ng mga kasapi nito?​

Sagot :

Answer:

Ang Kongreso ng Malolos (kilala rin bilang Rebolusyonaryong Kongreso),[2] na pormal na kilala bilang Pambansang Asamblea, ay ang lehislatibong katawan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas. Pinili ang mga miyembro sa halalan sa Kongreso ng Malolos na ginanap mula Hunyo 23 hanggang Setyembre 10, 1898. Ang kapulungan ay binubuo ng mga inihalal na delegado na pinili sa pamamagitan ng pagboto sa mga kapulungang panlalawigan at mga hinirang na delegado na pinili ng pangulo upang kumatawan sa mga rehiyon sa ilalim ng hindi matatag na kalagayang militar at sibilyan. Binuksan ang Rebolusyonaryong Kongreso noong Setyembre 15, 1898 sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Pinangunahan ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang pagbubukas ng sesyon ng kapulungan