A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na kabataan kung ang mga ito ay
nagpapakita ng tamang pagpapasya. Isulat ang TAMA o MALI sa
patlang.
________ 1. Shiela: Shane, gising na, magsisismula na ang klase.
________ 2. Robbi: Huwag kang magsumbong Nathaniel. Iidlip lang ako
dito sa likod ng silid-aralan. Puyat ako kagabi.
________ 3. Nadia: Saka na lang tayo magpasa ng proyekto natin. Wala
pa namang nakapagpasa.
________ 4. Nimfa: Wow! Ang ganda ng cellphone mo, Nadine.
Magpapabili ako ng mas maganda diyan.
________ 5. Chiara: Inay, huwag na po ninyo akong bigyan ng baon sa
susunod na linggo. Gagamitin ko na po ang naipon ko.