👤

Gawain 1. Pagbibigay Kahulugan sa mga Sawikain Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.

Isulat lamang ang titik nang tamang sagot.

Pagbasa ng seleksyon

Usap-usapan ng Kalikasan

Muling isinalaysay mula sa orihinal na panitikang dulaan sa aklat na Hiyas sa Pagbasa 6 Sa isang malawak na kagubatan, nakadapo sa isang sanga si ibong Malaya

"Naku, Ibong Malaya. Itigil mo nga iyang inga'y mo't pinakikinggan ko ang ihip ng hangin." Pagsuway ni Punong Mayabang. "Mas gusto mo pang pakinggan ang ihip ng hangin kaysa sa awit ko?"

tanong ni Ibong Malaya.

"Siyang tunay! Lahat kami rito, naiingayan na sa pagkanta mo. Paulit-ulit

lang naman ang kinakanta mo." sagot naman ni Punong Mayabang. "Ang sabi mo'y lahat kayo? Pati sila Halamang Mapagkumbaba, Bulaklak

Maganda at Batong Matigas?" paglilinaw ni Ibong Malaya.

"Oo, lahat kami. Bakit hindi mo tanungin si Halamang Mapagkumbaba?

Hikayat ni Punong Mayabang.

Lumipad si Ibong Malaya pababa at nilapitan si Halamang Mapagkumbaba.

"Halamang Mapagkumbaba, ikaw ba ay naiingayan sa pag-awit ko? tanong

nito.

"Hindi naman. Nagagandahan nga ako sa tinig mo. Saka magaganda ang

mga inaawit mo. Ako nga ang nahihiya sayo dahil napapasayaw ako sa tuwing

umaawit ka." sagot ni Halamang Mapagkumbaba.

Lumipad muli si Ibong Malaya patungo kay Punong Mayabang. "Hindi naman pala naiingayan si Halamang Mapagkumbaba. Napapasayaw

pa nga raw siya pag-umaawit ako." paliwanag ni Ibong Malaya. "At naniwala ka naman? Bakit hindi mo tanungin si Bulaklak Maganda?"

Sulsol ni Punong Mayabang. Lumipad muli si Ibong Malaya at kinausap si Bulaklak Maganda.

"Totoo bang naiingayan ka sa pag-awit ko, sabi ni Punong Mayabang?"

tanong ni Ibong Malaya kay Bulaklak Maganda. "Hindi totoo iyan. Sa katunayan ay gustong-gusto ko ang iyong pag-awit

dahil lalong tumitingkad ang aking kulay. Buhay na buhay! Kaya panay ang dalaw

sa akin ni Paruparo." paliwanag ni Bulaklak Maganda.

Muling bumalik si Ibong Malaya kay Punong Mayabang.

"Hindi naman pala naiingayan sa akin si Bulaklak Maganda, e." pahayag ni

Ibong Malaya.

"At naniwala ka naman? Si Batong Matigas ang tanungin mo at tiyak na magsasabi

siya ng totoo." mayabang na sagot ni Punong Mayabang. Nagtungo si Ibong Malaya kay Batong Matigas.

"Totoo bang naiingayan ka sa tuwing umaawit ako?" tanong muli ni Ibong

Malaya.

"Sinong may sabi?" Paglilinaw ni Batong Matigas.

"Si Punong Mayabang." Sagot naman ni Ibong Malaya.

"Hindi! Sa katunayan ay napapagalaw ako sa tuwing umaawit ka. Naiuunat

ko ang matigas kong katawan." paliwanag ni Batong Matigas.

Naiinis na bumalik si Ibong Malaya kay Punong Mayabang.

Sasagot sana si Punong Mayabang ngunit pinigilan agad ni Ibong Malaya.

"O, ano ang ikakatwiran mo? Magtapat ka nga sa akin Punong Mayabang.

Bakit ibig mong magalit ako kina Halamang Mapagkumbaba, Bulaklak Maganda at

Batong Matigas? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" pag-usisa ni Ibong Malaya "Ibig ko kasi, ako lang ang aawitan mo. Ayokong iparinig mo sa kanila ang

pag-awit mo. Gusto ko, tayo lang ang laging magkasama." paliwanag ni Punong

Mayabang.

"Naku, maramot ka pala! Hindi lang ikaw ang nilikha ng Panginoon sa

kagubatang ito. Kailangan ding marinig ng bawat isang narito ang tinig ko para

maging maligaya sila." sagot ni Ibong Malaya. "O, sige. Payag na akong iparinig mo sa kanila ang pag-awit mo. Pero ang

gusto ko, dito ka lang sa sanga ko aawit palagi. Para lalong lumakas ang katawan ko." hikayat ni Punong Mayabang.

Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawan, pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa ginawang pagtatanong ni ibong Malaya sa iba pang mga tauhan ng kwento. Lagyan ng bilang 1-6 ang mga larawan.


Gawain 1 Pagbibigay Kahulugan Sa Mga Sawikain Panuto Piliin Ang Kahulugan Ng Mga Sumusunod Na Sawikain Isulat Lamang Ang Titik Nang Tamang Sagot Pagbasa Ng Sele class=