👤

Talata kung paano naipakita ang pagmamahal sa inang bayan sa panahon ng mga kastila .n

Sagot :

Answer:

Naalala mo pa ba ang huling nagawa mong sakripisyo para sa iyong pamilya, sa iyong kapuwa, o sa iyong bayan? Sabi nila mahirap na ang pagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa bayan. Kailangan daw kasi ng pagbubuwis ng buhay. Gusto mo lamang ay payapa at tahimik na pamumuhay.

Paano maipakita at ituro ang pagmamahal sa bayan

Totoo na noon ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay para sa bayan. Bagaman sa panahon ngayon, hindi kailangang magbuwis ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa bayan, sapat na ang katapatan, paggalang, at pagpapahalaga.

Katapatan sa pagsunod sa batas

Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente. Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay mabuting makasusunod sa mga batas. Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos ang daloy ng lahat.

Isa pa, ang pagtatapon ng basura. Kung magiging sistematiko tayo at nakasusunod nang mahusay sa mga panukala sa basura, mapapanatiling malinis ang kapaligiran at maiiwasan ang mga pagbaha. Maisasalba rin natin sa pagkasira ang ating kalikasan. Sa mga ganitong sitwasyon, sa halip na makaragdag ka pa sa suliranin, mas magiging bahagi ka ng solusyon sa lumalawak na problema ng bayan.

What other parents are reading

Beginner Ice Skating Tips Mula Sa Mga World-Class Pinoy Skaters Ng Disney On Ice

Beginner Ice Skating Tips Mula Sa Mga World-Class Pinoy Skaters Ng Disney On Ice

Alam Ba Ng Anak Mo Ito? Magbalik Tanaw Sa Mga Larong Pinoy Ng Ating Kabataan!

Alam Ba Ng Anak Mo Ito? Magbalik Tanaw Sa Mga Larong Pinoy Ng Ating Kabataan!

Pagpapahalaga sa sariling lahi

Mahalaga ang pagkakaroon natin ng pagpapahalaga sa ating lahing pinagmulan. Sa panahon ngayon na laganap ang iba’t ibang impluwensiya mula sa mga nasa kanluran. Dapat na maging masusi pa sa pagkilala ng sariling kultura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lamang kultura ang iyong kikilalanin kundi mas magiging malalim din ang pagtingin mo sa iyong sariling wika. Dahil dito, mapapagiting mo ang paggamit nito sa pakikipagtalastasan. Mas mapagyayaman mo ang wika ng iyong bayan. Kaya naman, magagawa mong ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino at kayang isigaw at taas noong sabihin “Pilipino ang lahi mo” sapagkat dito nag-uugat ang lahat.

Sa halip na ikaw ang unang pumuna sa pagkukulang nito, ikaw ang unang makikipaglaban para sa kaniya at pupuno sa mga bagay na wala ito. Magkakaroon ka ng sensibilidad at higit na magmalasakit sa iyong kapuwa Pilipino.

Bukod pa rito, kung may mataas kang pagpapahalaga sa iyong lahi maglalaan ka ng panahon na kilalanin ang mga yamang taglay nito nang mas lumalim ang iyong pagpapahalaga at pagtatampok sa mga kalinangang mayroon ito. Tiyak din na mas tatangkilikin mo at susuportahan ang mga produkto nito.Sa gayon, mas magiging bahagi ka ng pag-unlad ng ekonomiya ng iyong bayan. Maiaangat ang bawat isa at makatutulong sa higit na pagiging buhay ng konsepto ng bayanihan.

!