👤

kahalagahan ng bundok​

Sagot :

ANSWER BELOW

Kahalagahan ng mga Kabundukan

Mahalaga ang mga kabundukan dahil ginagawa itong tirahan ng mga hayop at halaman, nagsisilbi ito bilang taguan ng mga likas yamang kailangan ng mga tao, sinasangga nito ang mga bagyo, ang mga kagubatang nakapaloob dito ay nagbibigay ng oxygen, at maganda itong tignan sa mata at maaaring maging sanhi ng pag-usbong ng turismo sa lugar.

Explanation:

Ang mga kabundukan ay nabuo dahil sa pagbabanggaan ng mga plates (lalo na kung dalawang continental crust ang nagbanggaan). Sa Pilipinas, marami ding makikitang kabundukan dahil ang ating bansa ay geologically active. Isa ang Sierra Madre sa pinakatanyag na kabundukan sa Pilipinas, at nagsisilbi itong panangga ng Luzon sa mga bagyo. Ito rin ang pinakamahabang kabundukan sa buong bansa, na nagsisimula sa Cagayan at nagtatapos sa Quezon. Kabilang din sa mga tanyag na kabundukan sa bansa ang Cordillera at Caraballo.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng mga kabundukan, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/1240658