👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang iyong kaalaman o impormasyon mula sa iyong mga dating nautuhan at karanasan, bigyang kahulugan ang mga konsepto sa ibaba. Magbigay ng halimbawa upang ipakita ang kaibahan ng mga ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. TALENTO KAKAYAHAN HILIG Kahulugan Kahulugan Kahulugan Halimbawa Halimbawa Halimbawa​

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2 Gamit Ang Iyong Kaalaman O Impormasyon Mula Sa Iyong Mga Dating Nautuhan At Karanasan Bigyang Kahulugan Ang Mga Konsepto Sa Ibaba M class=

Sagot :

Answer:

Talento

Kahulugan: ito ay likas na kagalingan natin na itinuturing na espesyal na taglay natin. Pinagkaloob ito sa ating ng Diyos. Lahat tayo ay may talentong inilaan sa buhay natin, kailangan lang ang pagtuklas dito (brainly.ph/question/59216450).  

Halimbawa:

Pagguhit at pagpinta ng mga larawan

Pag-uukit ng mga eskultura

Pagluluto ng iba’t ibang pagkain

Paggawa ng mga tula at kwento

May likas na galing sa pagsayaw at pagkanta

Paglalaro ng mga isport

Kakayahan

Kahulugan: tumutukoy ito sa ating kapasidad o abilidad na kayang gawin ang isang bagay. Maituturing na may alam siyang gawin ito o kaya naman magaling o eksperto na dito. Maaaring maihalintulad ito sa mga talento na ipinagkaloob rin sa atin  (brainly.ph/question/587548).  

Halimbawa:

Kakayahang umunawa at makapag-isip

Kagalingan sa mga asignatura sa paaralan

Kakayahan na magkaroon ng mabuting puso sa lahat

Kakayahan sa pagtatanggol sa karapatan ng isa  

Kakayahan na magampanan ang mga gawain at obligasyon

Hilig

Kahulugan: ito ay pagtukoy sa mga bagay na kagustuhan natin at nasisiyahan tayo sa paggawa ng mga ito. Maaari itong mamana sa ating mga magulang o kaya naman matutuhan na gawin. Nagaganyak tayo kapag hilig natin ang isang gawain o aktibidad.  

Halimbawa:  

Mechanical- pag-aayos ng mga gamit na sira at paggawa ng bagay na mapapakinabangan mula sa mga naresikolo

Outdoor- paghahalaman o pagtatanim, pag-aayos ng bakuran at pagbibisikleta

Literary- nananabik sa pagbabasa at mahilig magsulat ng mga kwento at tula

Musical- tumutugtog ng mga musical instrument, pagkanta at paglika ng mga awitin

Explanation: