Sagot :
Nagkaroon ang RITM ng kakayahan para magsagawa ng mga pangkumpirmang pagsubok para sa COVID-19 bilang pagtugon sa paglitaw ng sinuspetsang kaso ng COVID-19. Nagsimula itong magsagawa ng mga pangkumpirmang pagsubok noong Enero 30.[14][15]
Nakumpirma rin ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa araw na iyon. Ang unang pasyenteng nasuri ay isang 38 taong gulang na Tsina mula sa Wuhan, ang pinagmulan ng sakit, na dumating sa Maynila mula sa Hong Kong noong Enero 21.[17] Naipasok siya sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila[18] noong Enero 25 pagkatapos niyang magpakonsulta dulot ng katamtamang ubo. Noong nahayag ang kompirmasyon na mayroon siyang coronavirus, asintomatiko na ang Tsina.[19]