Sagot :
Answer:
Ang Pilipinas ay mayroong Republic Act 10121 na pinamagatang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”. Sa ikatlong seksiyon ng nasabing batas, inilarawan ang State of Calamity bilang isang kalunos-lunos na kondisyon ng bansa dulot ng isang pangyayaring gawa ng kalikasan (mga bagyo, lindol, atbp.) o ‘di kaya’y gawa ng tao tulad ng pakikidigma. Idinedeklara ang State of Calamity batay rin sa dami ng mga taong namatay o napinsala ng sakuna, tindi ng pagkawasak ng mga ari-arian at imprastruktura, pagkakatigil ng mga negosyo at kabuhayan, at sa kawalan ng kakahayan ng mamamayang mamuhay nang normal.
Explanation:
hope it's help