Sagot :
Answer:
1. Una, may isang hari ng lungsod ng Uruk, si Gilgamesh, siya ay matapang at makapangyarihan ngunit may ugaling pang-aabuso kaya dalangin ng mga tao na sana'y makalayo sila mula sa kaniya.
2. Sa kabilang banda, tinugon ng diyos ang dalangin ng mga tao kaya ipinadala niya si Enkido na kasinlaki at halos kasintulad ni Gilgamesh.
3. Sumunod, nagpang-amok ang dalawa pero si Gilgamesh ang nagwagi, ngunit habang lumilipas ang panahon, naging matalik silang magkaibigan. Nakasama nila ang isa't-isa sa mga labanan at gawain. Napatay nila si Humbaba at pinatag ang kagubatan.
4. Pagkatapos, tinangkaan nilang siraan ang diyosang si Ishtar kaya ipinadala ni Ishtar ang toro ng kalangitan para wasakin ang pinatag nilang kagubtan bilang parusa. Ngunit nagapi nilang dalawa ang toro pero hindi ito pinalagpas ng mga Diyos ang kanilang kawalang paggalang kaya tinakdaan sila na isa sa kanila ang mamamatay dahil sa matinding karamdaman, at ito'y si Enkido.
5. Sa huli, pagkatapos ng mga huling sandali nilang dalawa, hinang-hina na, ay namatay si Enkido matapos ang pitong araw at gabi na dinanas na matinding sakit. Pinagluksa ito ni Gilgamesh at ipinagtayo niya ito ng estatwa.