28. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang maituturing na makatotohanang pangyayari sa mga akdang binasa?
A. Ang pangingitlog ng munting ibon ng ginto.
B. Ang pagmamahal ng magulang sa anak.
C. Ang pagsasalita at pagkilos ng mga hayop na parang tao.
D. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan at pambihirang lakas.
29. Anong uri ng panitikan ang akdang “Arkat A Lawanen”?
A. Maikling kwento
B. Dula
C. Pabula
D. Kwentong-bayan
30. Sa akdang “Arkat A Lawanen”, sinong prinsipe ang nagligtas sa prinsesa?
A. Ayonan Pasandalan
B. Ayonan Salindagaw
C. Prinsipe Mabaning
D. Prinsipe Bantugan
31. Ano ang tawag sa mga taong gumaganap at nagbibigay buhay sa isang pagtatanghal?
A. Aktor
B. Direktor
C. Iskrip
D. Manonood
32. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing bilang pinakakaluluwa ng isang pagtatanghal?
A. Dayalogo
B. Direktor
C. Entablado
D. Iskrip
33. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naganap sa “Arkat A Lawanen”?
A. Si Prinsipe Mabaning ang nagplanong dukutin si Arkat a Lawanen.
B. Nagtagumpay si Ayonan Salindagaw na makuha si Prinsesa Lawanen.
C. Gumamit si Prinsipe Mabaning ng agimat para hindi makita ng mga kalaban.
D. Nagkaroon ng digmaan sa dalawang angkan dahil sa pagdukot ni Ayonan Pasandalan kay Arkat a Lawanen.
34. Anong uri ng pangatnig ang nasa sa unang bilang?
A. Adisyon
B. Pamukod
C. Pagbibigay ng sanhi
D. Pagsalungat
35. Anong uri ng retorikal na pang-ugnay ang nasa ikalawang bilang?
A. Pang-angkop
B. Pangatnig
C. Pang-ukol
D. Pantuwang
36. Ang pangungusap na nasa ikatlong bilang ay nagpapahiwatig ng ______________.
A. Pagsalungat
B. Paglalahad ng bunga
C. Pagbibigay ng kondisyon
D. Pamukod
37. Paano ginamit sa pangungusap ang pang-ugnay na nasa ikaapat na bilang?
A. Inilahad ang sanhi
B. Ibinigay ang resulta
C. Isinaad ang pasubali
D. Ipinakita ang pagtutol
38. Paano ginamit sa pangungusap ang pang-ugnay na nasa ikalimang bilang?
A. Inilahad ang sanhi
B. Ibinigay ang resulta
C. Isinaad ang pasubali
D. Ipinakita ang pagtutol
39. Paano nakakatulong ang mga retorikal na pang-ugnay sa pagbuo ng isang akda gaya ng maikling kuwento?
A. Nakakatulong ito upang magbigay ng konotasyon at denotasyong pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa maikling kuwento.
B. Nakakatulong ito upang magkaroon ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang isang maiklingkuwento.
C. Nakakatulong ito upang makilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos sa maikling kuwento.
D. Nakakatulong ito upang madaling matukoy ang mga pangunahing tauhan sa isang maikling kuwento.
40. Paano isinagawa ang seremonyang “Penggunting” sa maikling kwentong Pagislam?
A. Binubulungan ng Ina ang sanggol ng dasal .
B. Ginugupitan ng Imam ang buhok ng sanggol.
C. Kinakalbo ng Imam ang sanggol .
D. Nagdarasal ang Imam na tubuan ng buhok ang sanggol
41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang o seremonya ng mga Muslim sa pagbibinyag?
A. Balyanji
B. Bang
C. Peggunting
D. Pagislam
42. Mula sa maikling kuwento na Pagislam, ilang araw isinasagawa ang seremonyang paggugunting simula nang maisilang ang sanggol?
A. Unang araw
B. Ikalawang araw
C. Ikaanim na araw
D. Ikapitong araw
43. Sa akdang Pagislam, paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang pagpapahalaga sa tradisyon at paniniwala ng mga Muslim?
A. Pagdarasal kay Allah
B. Pagsunod sa seremonya ng pagbibinyag
C. Paghahanda para sa mga bisita
D. Lahat ng nabanggit