Isulat ang TAMA kung positibo ang pahayag at MALI kung hindi.
1. Sa katapusan pa naman ipapasa ang aming proyekto sa ESP kaya hindi ko na muna ito gagawin. Uunahin kong mag level-up sa laro sa cellphone ko. 2. Hindi muna ako manonood ng K-drama ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral para sa mga pagsusulit. 3. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa kaklase ko upang makipagtulungan sa mga gawain. 4. Si Mack ay nagsinungaling nang hindi aminin na kinuha niya at nasira ang gamit ng kapatid. 5. Pinagsabihan ni Greg ang kapatid na si Valerie na hindi tamang mangopya ng sagot sa iba. 6. Inamin ni Jonnel ang kasalanang nagawa ni Kelvin upang hindi mapahamak ang kaibigan. 7. Sinabi ni Sunshine sa ama na maaga siyang natulog kahit ang totoo ay naglaro pa siya ng cellphone kahit gabing-gabi na. 8. Buong pagpapakumbabang tinanggap ni Zoren ang puna sa kanya na mainitin ang kanyang ulo. Nangako siyang magbabago. 9. Sinabihan ni Jon si Nesley na mabagal magbasa at hindi na matututo pa. Habang ginagawa niya ito ay tumatawa pa siya. 10. Ipinagsigawan ni Ricky sa mga tao na marumi at mabaho ang kanilang barangay.