Agrikultura- nagmumula sa pagsasaka ang pagkain ng mga tao sa isang bansa kaya kung mataba at malawak ang lupain ay mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at mas makakapagluwas ng mas maraming produkto. Para sa pagpapalaki ng produksyon ay ang ilan ay gumagamit ng makabagong teknolohiya habang nagbubukid naman ang iba para sa sariling ikabubuhay nila
ekonomiya- pinagkukunan ng mga materyales ang mga likas na yaman sa isang bansa. Ang mga mauunlad na bansa ay sa likas na yaman din kumukuha ng hilaw na materyales kaya nauubos na ang mga ito. Sa iba, sa likas na yaman din sila kumukuha ng gamit kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang tumaas ang kanilang kita upang umunlad ang pamumuhay nila
panahanan- dahil sa lumalaking populasyon ay isinasagawa ng ilan ang 'land conversion' na nagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop at gumagamit din ng makabagong teknolohiya upang baguhin ang kanilang kapaligiran.