Sagot :
Answer:Ang alamat ng Karayom
Sa isang malayong lalawigan,may isang batang kinaiinggitan nang marami,siya si Kara.
Si Kara ay kinaiinggitan dahil lahat nang nais niya ay agad niyang nakukuha.Isang araw habang nasa pamilihan siya kasamaang kanyang ina nagpabili si Kara nang kung ano-anu, “ina ,gusto ko nitong manika,ina gusto ko iyong sapatos,ina gusto ko ito,ina gusto ko niyon” ngunit nagwika ang ina “Kara,anak hindi mo naman kailangan nang mga iyan lagi na naming sinusunod ang nais mo kaya pwede bang ngayon na tayo ay naghihirap unahin mo muna ang lahat nang dapat unahin”.Labis na dinamdam ni Kara ang winika nang ina.
Pag-uwi nila sa kanilang tahanan agad siya pumunta sa kanilang likod bahay pinagsisira niya ang mga halaman doon ngunit isang kakaibang halaman ang nasira ni Kara.Pagkasira ni Kara sa halaman isang misteryosong batang babae ang lumabas mula sa halaman at nag wika “bakit ka ba napoot,mga winika nang iyong ina ay totoo,tunay nga dapat kang parusahan at turuan nang leksyon”.Pagkawika nang batang babae unti-unting naghina si Kara.
Sa paglipas nang panahon ito’y tinawag na karayom.Isang maliit na bagay na nagpapatunay na lahat nang ating ginagawa ay dapat pinaghihirapan.
Explanation: sana maka tulong