Sagot :
Ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa bawat estudyante, para sa kasaysayan, sa kasaralinlan at sa pagiging mamamayang Pilipino, kaya hindi ako sang-ayon sa pag-alis ng asignaturang ito sa kolehiyo.
Ayon nga sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda” kaya nararapat na ating pag-tuunan ng pansin ang ating sariling wika. Tayo ay mamamayan ng Piliipinas kaya narararapat lamang na isama ang asignaturang Filipino kahit sa kolehiyo dahil ito ay isa sa pagkakakilalanlan ng ating bansa.
Madaming dahilan kung bakit hindi dapat ang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, ito ang mga sumusunod:
Una, hindi pa sapat ang kaalaman at lalim ng pagkatuto ng mga estudyante sa asignaturang Filipino, marami pa rin ang nalilito sa mga tamang pag-gamit ng mga kataga ng wikang Filipino katulad na lamang ng “ng” at “nang” , “daw” at “raw” at ilang iba pang kataga. Marami pa rin ang nahihirapan sa tamang pag gamit ng sariling wika kaya nararapat lamang na patuloy natin itong pag aralan at patuloy na linangin.
Pangalawa, ang pagtatanggal ng asignaturang ito ay magreresulta sa pagbabawas ng mga gurong kailangan para sa asignaturang ito. Ang mga guro na ang tinuturuan ay mga kolehiyo, ay tila ay maari silang matanggal sa trabaho, at hindi magandang pangyayari ito.
Pangatlo, ito ay tila parang pagtalikod ito sa ating sariling kasarinlan. Ang ating sariling wika ay ating sariling pagkakilala sa mundo, kaya nararapat lamang na huwag natin itong basta bitawan at balewalain lamang. Matibay na pundasyon ang ibinigay at iniwan sa atin ng mga naunang henerasyon sa ating wika, kaya ito ay hindi natin dapat iwaglit at ipagpalit sa banyagang wika. Hindi natin maitatanggi na parehas nating kailangang linangin ang asignaturang Ingles at Filipino, at nararapat lamang bilang Pilipino na parehas natin itong mapagbunga sa paglaon pa ng panahon.
Ang pagmamahal sa wika ay parang pagmamahal sa bansa at sa kalayaan pinaglaban ng ating mga bayani. Ito ay mahalaga at dapat pang mas linangin, mas unawain at pag-aralan ng mas malalim.
Learn more about Filipino language at: https://brainly.ph/question/2431812?referrer=searchResults
#SPJ2