Gawain 5: Pag-unawa sa Tekstol Unawaing mabuti ang teksto pagkatapos sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Si Anna ay nag-iisang anak ng negosyanteng mag-asawa. Lumaki siyang nakapasyal sa mga lugar na maganda, nakabibili ng mamahaling gamit at naranasan ang buhay mayaman kung kaya nakapag-aral sa pribadong paaralan, masasarap na pagkain. Sa madaling salita, naibigay ng magulang ang kaniyang Isang araw sa kanilang pamamasyal ay naaksidente ang kaniyang ama na agad namang isinugod sa ospital. Dahil dito, unti-unting ipinagbili ang kanilang mga ari-arian para sa pagpapagamot ng kaniyang ama. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahinto si Anna sa kaniyang pag-aaral dahil hindi na makayanan ng kaniyang ina na pagsabayin ang pagpapagamot ng asawa at pagpapaaral sa kaniya. 1. Sa tingin mo ba, pinapahalagahan ng ina ni Anna ang pagbibigay edukasyon sa kaniyang anak? Pangatwiranan. 2. Kung ikaw si Ana, ano ang maaari mong gawin para makapagpatuloy ng pag- aaral sa kabila ng problemang kinakaharap ng pamilya?