👤

ano ang ibigsabihin ng sosyo-kultural?
pasagot po ng maayos hehe.​


Sagot :

Answer:

Ang kahulugan ng sosyo kultural ay nahahati sa dalawang konsepto.  Una, ang salitang “sosyo” ay galing sa salitang social na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa grupo ng mga tao. At pangalawa, ang salita “kultural” ay galing naman sa salitang culture na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa ideya, kinagawian, at kilos ng tao sa isang lipunan.  Sa madaling salita, ang sosyokultural o sociocultural sa Ingles ay ay isang perspektibo na kung saan nakasalalay sa kung anong lipunan at kung anong kilos ng mga tao sa isang grupo ang magiging kilos ng isang tao.  

Ang paksang sosyokultural ay isang mahalagang konseptong pinag-dadalubhasaan ng mga eksperto sa larangan ng sociology, psychology, at anthropology.

Anu-ano ang mga epekto ng sosyo kultural?

1. Pagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa iba’t ibang lugar  

2. Pakikisalamuha sa mga tao at mga institusyong kultural

- Halimbawa: Ang paaralan ay may natatanging papel na ginagampanan sa paghubog ng kaisipan at kamalayan ng isang tao hanggang sa kanyang paglaki

Explanation:

PA BRAINLIEST PO,THANKYOUU :)))