Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng pangatnig ang salitang nakasulat ng makapal sa loob ng pangungusap isulat sa patlang kung (panimbang, paninsay, pananhi, pamukod panlinaw, panubali, panapos o panulad). Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Mabilis na nailigtas ng mga dama ang prisesa ng Kembayat sanhi sa mapang- ahas na sultana . 2. Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasinsipag niya. 3. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo. 4. Di umano, mahusay magbigay ng ulat si Roberto. 5. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating lakad. 6. Nagkasundo na ang magkapatid na prinsesa, kung gayon maligaya mga magulang 7. Nakatapos si Stella ng abogasiya bagaman isang magsasaka ang kaniyang ama at isang maybahay ang kaniyang ina. 8. Batid ko ang pagkapanalo ng ating pangkat kung si Gary man ang piling lider natin. 9. Namaos siya dahil sa pag-aabuso sa kaniyang boses at pagpapabaya sa kaniyang sarili. 10. Makukuha na rin sa wakas nina Beth at Mario ang kanilang inaasam na bahay at lupa.