1. Isa sa limang rehiyon ng Asya ay ang Silangang Asya. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga katangian nito maliban sa isa, ano ito? A. binubuo ito ng mga bansang Arabo. B. dito umusbong ang Confucianismo, Taoismo, at Shintoismo
C. ito ay nakalatag sa mataas at gitnang latitud kaya nagkakaiba-iba ang klima rito.
D. sakop nito ang bansang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig.
2. Bilang isang Asyano, bakit mahalagang pagtuunan ng pansin o pag-aralan ang heograpiya ng Asya?
A. dahil kailangan ito sa aming asignatura
B. dahil ito ang pinakamalaking kontinente sa daigdig
C. para hindi maligaw kung bibisita sa ibang bansa
D. upang maunawaan ang kalikasan, katangian, at mga nagging kontribusyon ng mga Asyano sa kasaysayan at kultura.
3. Bakit tinaguriang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang Ring of Fire?
A. Dahil tag-init ang klima dito.
B. Dahil maraming bundok na nakapalibot dito C. Dahil sa dami ng aktibong bulkan na nakapalibot rito.
D. Dahil ito ay binubuo ng mga Disyerto at Kapuluan o Arkipelago.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang may MALING impormasyon tungkol sa katangiang pisikal ng Pilipinas?
A. Mayaman sa kalikasan ang bansang Pilipinas.
B. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire.
C. Tropikal ang klimang nararanasan ng mga tao sa Pilipinas at sa buong sa Timog - Silangang Asya
D. Kabilang sa Mainland Southeast Asia na binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa malalaking lupain ang isla ng Pilipinas. E. Timor-Leste
5. Bakit sa kabila ng biyayang naidulot ng ilog Huang Ho sa mga Tsino ay tinawag pa rin itong "river of sorrow" o ilog ng pighati?
A. Nagkaroon ng madugong labanan sa ilog na ito.
B. Dito naganap ang mga kalunos-lunos na pagpatay ng mga mahihinang mga sanggol.
C. Ang ilog na ang nagsilbing saksi sa kalunos-lunos na paglubog ng mga barko noong unang kabihasnan.
D. Madalas na nagdudulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng buhay sa tuwing nagaganap ang mga pagbaha mula sa ilog na ito.
6. Lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao ang mga ilog at lawa sa Asya dahil sa mga naturang kadahilanan, maliban sa
A. Ito ang nagsilbing paliguan ng mga Asyano.
B. Dito nagsimula ang paglinang at pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Dito nila kinukuha ang tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain.
D. Ito ang pinagmulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananim, pinagkukunan ng mga pagkain, palamuti at maging ng transportasyong pantubig.