Sagot :
Answer:
Ang ebolusyon ng tao ay ang proseso ng ebolusyon na humantong sa paglitaw ng mga anatomikong makabagong tao, na nagsisimula sa kasaysayan ng mga primatibong genus-sa partikular na Homo Genus at humahantong sa paglitaw ng Homo sapiens bilang isang natatanging species ng hominid pamilya, ang mga dakilang mga unggoy
Explanation:
Teoryang Biblikal
Ayon sa teoryang ito, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si Adan at sa unang babae na si Eba.
On the Origin of Species by means of Natural Selection (Charles Darwin)
Batay sa teoryang ito, ang tao'y di basta-bastang sumulpot kundi unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at hitsura.
Australopithecus robustus
Higit na malaki, malamang puro gulay ang kinakain batay sa itsura ng kaniyang ngipin, patayo kung lumakad, ngunit hindi tuwid ang katawan, walang noo, walang mga gamit at nakatira sa kagubatan.
Homo habilis
Batay sa mga nahukay na ebidensya sa Kenya at Aprika, ang mga sinaunang taong ito ay gumagamit ng mga kasangkapang yari sa bato, namuhay bilang kasapi ng pangkat.
Homo erectus
Mataas ang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo at nakakalakad ng tuwid, kung saan-saan nakatira, may mga kasangkapang yari sa bato, metal, kemikal, elektronik at nukleyar.
Homo sapiens
Ang tawag sa mga tao ngayon.
Cro-Magnon
Higit na malaking utak kaysa sa atin, mas matangkad kaysa sa atin, malaki ang katawan, sila ay nabuhay sa Gitnang Asya at Europa.
Australopithecus afarensis
Ayon sa teoryang ito, ay isang ekstinkt na hominid na nabuhay sa pagitan ng 3.9 at 2.9 milyong mga taon ang nakalilipas.
Spontaneous Generation
Isinasaad ng teorya ito na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa simpleng selyula. Mula rito, ang iba't ibang anyo ng buhay (life-forms) ay nagbago at dumami sa iba't ibang kaparaanan sa paglipas ng panahon.
Neanderthal
Malapat at makapal ang bungo sapagkat higit na malaki ang laman nitong utak kaysa karaniwang tao ngayon