1. Ang _________ ay makatutulong sa isang mananaliksik sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng datos. *
A. Pagpili sa paksa
B. Tentatibong balangkas
C. Pangangalap-tala
D. Paglalahad ng layunin
2. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay dapat planuhin at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin. *
A. Paglalahad ng layunin
B. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
C. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador
D. Paghahanda ng iwinastong balangkas
3. Ang bahagi ng pananaliksik kung saan gumagamit ng index card. Hinahati ito sa tatlo: mga nakuha-lagom, tuwirang sipi at hawig. *
A. Paghahanda ng pansamantalang bibliograpi
B. Paghahanda ng tentatibong balangkas
C. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador
D. Pangangalap o note taking
4. Sa bahaging ito ay binibigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayon din ang baybay, wastong bantas at wastong gamit ng mga salita. *
A. Paghahanda ng pansamantalang bibliograpi
B. Paghahanda ng tentatibong balangkas
C. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador
D. Pangangalap o note- taking
5. Ito ang bahagi ng pananaliksik kung saan inilalahad ang dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. *
A. Paglalahad ng layunin
B. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
C. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador
D. Paghahanda ng iwinastong balangkas
6. Mga sangguniang nakalimbag tulad ng encyclopedia, almanac, atlas at diksyunaryo. *
A. internet
B. aklat o libro
C. magasin o dyaryo
D. mga panayam, seminar at workshop
7. Tumutukoy sa mga napapanood na videos, dokumentaryo at iba pang palabas pantelebisyon. *
A. internet
B. aklat o libro
C. video mula sa you tube at dokumentaryo
D. mga panayam, seminar at workshop
8. Mga impormasyon nagmula sa tagapagsalita o tagapanayam na eksperto sa paksang kanilang ibinibigay para sa mga tagapakinig. *
A. internet
B. aklat o libro
C. video mula sa you tube at dokumentaryo
D. mga panayam, seminar at workshop
9. Talaan ng iba’t ibang sanggunian, katulad ng mga aklat, artikulo, ulat, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal. *
A. paksa
B. burador
C. balangkas
D. bibliograpi
10. Pangangalap-tala na kinokopya ang mga salita sa aklat at ipinapaloob sa isang panipi. *
A. hawig
B. lagom
C. layunin
D. tuwirang sipi
11. Katangiang dapat taglayin ng isang travel brochure upang mapukaw ang interes ng turista. *
A. Nakagagalit at hindi klaro
B. Nakapupukaw ng atensyon
C. Nakababagot dahil walang kakulay-kulay
D. Nakaaaliw ang larawan ngunit hindi Mabasa ang mga letra
12. Ginagamit sa travel brochure ang isang partikular na lugar upang pukawin ang interes ng mga dayuhan na puntahan ito.
A. kulay
B. mukha
C. font o style
D. tagline
13. Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais puntahan ng mga tao upang maging kumpleto ang kanilang karanasan. *
A. Poster
B. Travel brochure
C. Vlog
D. Audio Visual Presentation
14. Ito ang mga bagay na inilalagay sa travel brochure upang madaling mahanap ng isang turista ang lugar na pupuntahan. *
A. mapa
B. sketch
C. sulat
D. larawan
15. Bahagi ng travel brochure na naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaring gamitan ng iba’t ibang tagline na makapupukaw sa interes ng turista. *
A. Lugar kung saan maaaring kumain o magpahinga
B. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin
C. Introduksyon o panimula
D. Wala sa nabanggit