Gawain 10: Isalaysay Mo! Panuto: Ikaw ay nasa ikatlong taon na ng iyong pag aaral sa kolehiyo. Magsasagawa ng youth camp ang inyong paaralan na pangungunahan ng Supreme Student Government bilang isa sa mga gawain para sa mga mag-aaral ngayong bakasyon. Inanyayahan kang magsalaysay ng isang testimonya tungkol sa naging karanasan mo bago ka nakatapos ng Junior High School. Ang iyong testimoniya ay dapat taglayin ang sumusunod: a. may mga pangyayaring naranasan na nauugnay sa mga kasalukuyang pangyayari sa daigdig b. may mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay c. angkop sa iyong mga tagapakinig d. may aral o mensahe