Sagot :
Answer:
Kalamangan ng Pagiging Insular ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng mahigit 7,600 na mga pulo. Dahil dito, nagkaroon tayo ng napakaraming kalamangan. Narito ang ilan sa mga ito:
-Nagkaroon ng maraming kultura sa ating bansa, at umusbong mula dito ang iba’t-ibang mga wika at mga tradisyon. Naging isang makulay na bansa ang Pilipinas dahil sa sobrang diverse ng mga kultura dito.
-Napakaraming magagandang baybayin na walang katulad saan man sa mundo. Dahil dito, patuloy na dumarami ang mga turistang bumibisita sa Pilipinas.
-Napakaraming lamang dagat ang pwedeng mahuli sa ating bansa, at ito ay ilan lang sa mga yamang tubig na ating napapakinabangan.
-Hindi tayo basta-basta masasakop ng ilang bansa sapagkat kailangan muna nilang tumawid sa malawak na dagat bago sila makapunta sa ating bayan.
-Mas madali makahikayat ng mga mamumuhunan sa dami ng likas na yaman ng ating bansa.
Explanation: