A. Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa binasa.
Matalinong Pagpapasya
Binigyan si Alex ng kanyang nanay ng pagkakataon na mamimili ng gusto niya sa isang Online Store dahil siya ay may nakuhang karangalan sa pagtatapos ng klase. Tuwang-tuwa si Alex dahil alam niyang mabibili na niya ang matagal ng minimithing sapatos ngunit may kamahalan lamang ito.
Nang siya ay mag add to cart ay bigla niyang naisip na panahon pa rin ng pandemya ngayon at malamang na hindi sasapat ang pera ng nanay niya sa iba nilang gastusin sa bahay kung itutuloy niya ang gusto niyang bilhin. Dahil dito ay kinausap niya na lamang ang kanyang nanay na huwag na lang siyang ibili ng
sapatos bagkus ibili na lamang ang natitirang pera para sa mga pangunahing pangangailangan
at gastusin sa bahay. Labis na tuwa ang nadama ng kanyang ina at siya ay binagkan sabay sabing, "isa kang pagpapala anak".
Mga tanong
1. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kwento?________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang isang bagay na matagal ng minimithing mabili ni Alex?________________________________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag ang biglang pumasok sa isip ni Alex, habang namimili siya ng kaniyang sapatos, ano ang biglang pumasok sa kanyang isip?________________________________________________________________________________________________
4. Paano nagpasiya si Alex, ano ang isinaalang-alang niya sa kaniyang pagpapasiya?________________________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Alex, gagawin mo din ba ang napagpasiyahan niya? Bakit?________________________________________________________________________________________________