Sagot :
TAHANAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO:
•Ang mga tahanan ng mga sinaunang pilipino ay mga kweba o bahay kubo.
- KWEBA: Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkat ng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.
- BAHAY KUBO: Karaniwang yari lamang sa kahoy at nipa ang isang bahay-kubo. Simple lamang ang disenyo nito. Ang bahay-kubo ay ang tipikal na bahay-Pilipino na kung saan simple lamang ang kinagawiang buhay ng mga tao.
TAHANAN NG MGA PILIPINO NGAYON:
- Sa pagdaan ng panahon, unti-unting naglaho ang bahay-kubo.Napalitan ito ng malalaking gusali at bahay na ipinapatayo ng pamahalaan, ng mayayamang Pilipino at ng mga turrista. Katulad na lamang sa lungsod ng Maynila kung saan kaliwa’t kanan ang mga gusaling makikita. Ang mga lupang sakahan at ang kinatitirikan ng mga bahay-kubo ay binili ng pamahalaan at ng mayayamang turista. Ngunit hindi lamang ang pamahalaan ang may kasalanan sa pagkawala ng bahay-kubo. Maging ang mamamayang Pilipino ay may kasalanan rin sa pangyayaring ito. Sa halip na pahalagahan ng mga Pilipino ang bahay-kubo, mas pinili pa nilang magpatayo ng mga bahay na katulad sa mga bahay na matatagpuan sa ibang bansa. Patunay rito ang struktura ng mga bahay na matatagpuan ngayon.
#CarryOnLearning
![View image Ryzamontefalco24](https://ph-static.z-dn.net/files/dda/0a4d2c446ac95a71d6a977b1d9bc3ec0.jpg)
![View image Ryzamontefalco24](https://ph-static.z-dn.net/files/dc4/634c47c2ab27846ecf33af36ce0105d2.jpg)